
”Ano nga ba yung title nung kay Lohan? Chapter 28?”
Ako, nakatingin sa malayo, boring na boring sa mga nangyayare sa buhay ko, walang ka latoy latoy na sumagot:
“27 po.” -_-
Flashing silly-grin-lightbulb-pops look on his face:
“Ah, nakabili ako sa Hidalgo.”
“Yabang mo.” -_-’
Merun palang matinong pelikula si Lindsay Lohan (tabi tabi po sa mga fans niya). Isang indie depiction ng pagkamatay ni Lennon at kung anu ang naisip ni Chapman para pagplanuhan yun at gawin yung krimen na yun nung mga oras na yun. Ang title nung pelikula Chapter 27, in reference sa 26 na chapters ng Catcher in the Rye, na pinagkuhaan ni Chapman ng basehan para maisip yung ginawa niya. Naipakita ito sa Sundance nito lang January 2007 pero minalas pagdating sa posibleng US distributor.
Malamang no worries lang masabi nateng lahat. Nai-leak na ang pelikula sa Hidalgo Wonderland. Medyo nangaasar pa si Otom habang bumababa kami sa eerie underpass ng Makati, nagtanong (see above conversation, LOL).
Nararamdaman ko na kapag humupa na ang mga sunud sunud na holiday tuwing Lunes, maibabalik namen yung mga naka schedule na papanuorin para sa araw na yun, bukod pa shempre sa ibang bagay na dapat gawin. Ehem. Nagyayabang si mokong ng mga Edward Scissorhands, Ever After, Nasaan si Francis, Inang Yaya, Dancer in The Dark type. Ecstatic sa Hidalgo Wonderland kung saan kahit concert ng ARREST sa UP meron. At lahat ay halagang sampung piso lang.
Clip from Dancer In The Dark.
One lucky kid let loose in his own mighty candy shop.
August 23, 2007 at 9:18 pm
narinig ko na ito, independent to eh. pero i’m not interested, bet ko pa rin si la lohan sa mga pa cute na movies tulad ng “mean girls”
August 23, 2007 at 9:26 pm
LOL talagang yun lang ang kakayahan ni LOHAN (excuse me ulet sa fans), na sorpresa lang ako may interes pala siya sa mga ganito.
August 23, 2007 at 9:27 pm
Bakla! Online ka, hahaha, na realize ko lang nung napost ko na yung comment ko.
August 23, 2007 at 10:26 pm
JOhn Lennon ba? Gusto kong panoorin ung “I know who Killed me” ni Lohan
August 23, 2007 at 10:37 pm
Koni, ang alam ko lang na pelikula niya Mean Girls saka Freaky Friday.
Well, at least diba may alam ako, hehe.
‘Yang “I Know Who Killed Me” parang scary movie counterpart ng “I Know What You Did” hehe, comedy ba yan?
August 24, 2007 at 12:28 am
Dati sobrang adik ako kay LL, pero ngayon hindi na, kasi adik na siya.
August 26, 2007 at 10:59 pm
siryus si lindsay dito. paminsan minsan nagpapakyut kay chapman.pero makakabahan din sa pagkaweirdo nito.kaya turned off.